Lunes, Oktubre 03, 2011

Pagbabago

Pansin ko lang, lahat na yata ng mga bagay sa mundo ay pinipilit na mapa-ganda. Syempre lahat tayo gusto maganda ang mga kalalabasan ng mga pagbabago na 'yan. Pero madalas pangit ang resulta. Parang 'yung mga kanta ngayon. Binago na ng mga K-POP na yan. Ano resulta? For me pangit. 'Yung pagbabago din sa Facebook, madami ang mga nagsa-sabi pangit DAW. 'Yung mga pose mo sa camera, dati simpleng smile lang basta kasama ka sa picture, ayos na sayo. Pero ngayon, dahil digital na nga, dapat maganda ang kuha mo. Kasi pwede ng i-delete ang mga pictures. Dati magagalit pa mga photographer sayo pag hindi ka umayos ng pose kasi daw sayang ang film. Ngayon naman, nauuso na ang mga iba't-ibang pose gaya ng PLANKING, OWLING, at madami pang iba hindi ko lang alam ang tawag sa mga 'yun. At may nauuso na naman, actually hindi pa sya uso, sana nga hindi na. Ang BAKLING!


Sana naman wag na 'to mauso. Please lang. Sige mag-plank na kayo kahit saan, wag lang ganto.

Mabalik tayo sa pagbabago. Dati sa mga notebook o sa likod ng libro mo ng biology o kung ano mang libro ang may space sa likod mo lang nasusulat ang mga nanyayare sa buhay buhay mo. O kaya naman may diary ka pa (kung hindi pa assignment lagi sa E.P.P. o HELE 'yun hindi ka pa magkakaron.) Pero ngayon may mga online diary na. Parang itong mga blogs. Magta-type ka na lang para sa mga tamad. At para sa mga mas tamad may VLOG (Video blog) pa. Ire-record mo na lang sarili mo at magsasalita ka na lang. Hindi ka na magta-type o magsu-sulat.

sana naman pati gobyerno magbago na.

Huwebes, Setyembre 29, 2011

Pedring!

Gabi bago ang araw ng pananalasa ni pedring, wala man lang kaulan-ulan o kahit ano mang senyales na ganun kalakas 'yung loko na 'yun.

Maiba na tayo. Past is past. Nagdaan na 'yon at wala ng dapat pag-usapan pa tungkol doon. Gusto ko lang naman sabihin sa mga nag-o-operate ng mga dam, e' pwede naman magpakawala ng tubig habang papadating pa lang 'yung ulan. Hindi 'yung isasabay mo sa lakas ng bagyo at taas ng baha ang sandmakmak na tubig na 'yon. Baha na nga baha pa. Dapat makipag-ugnayan din kayo sa PAGASA kung gaano ba talaga kalakas ang maibibigay na tubig ng bagyo para makapag-adjust na 'yung mga dam na 'yan agad-agad.

Kahit hindi kami naabutan ng mga tubig na 'yan e' madami ang HINDI nakinabang sa tubig na 'yon. Hindi naman siguro mauubos agad 'yung tubig doon diba?

At para naman sa mga hindi agad lumilikas sa kasagsagan ng bagyo, magkusa na ho kayo. Pag kayo ang na-stranded, sino sisisihin nyo? Gobyerno na naman? Kasi hindi kayo nailigtas? E' araw-araw na nga 'yon ipinapa-labas sa t.v. 'Yon na ang pagli-ligtas na ginawa ng mga nakatataas. Sinagip na kayo kahit wala pa man ang mga baha baha na 'yan.

Wala lang may masabi lang.

Lunes, Setyembre 19, 2011

Online influence

Dahil may load ang broadband, kailangan masulit ang 50 pesos ko.

Marami na ang mga sikat sa T.V. na nagsimula lang sa mga kalokohan na ginagawa nila sa youtube. Pero dati, kailangan mo pang mag-audition sa mga actingan na yan para maging sikat o para makita sa t.v. 'Yung iba naman, kuntento na sila na marami ang nanonood sa kanila via youtube. 'Yung iba naman, mga trying hard na sumikat, gagayahin pa ang mga kalokohan ng jackass para lang mapansin.

Pati nga ngayon sa facebook may mga ganyan na. 'Yung gagawa ng sarili nilang fanpage tapos pipiliting ipa-like sa iba para iisipin ng iba na "uy maraming naglike sa fanpage nya, sikat na sikat na 'to." Hindi nila alam na sapilitan ang pagla-like doon. Tapos magpi-picture na kung ano-anung anggulo sa camera tsaka i-a-upload sa facebook nya tsaka ipapalike ulet.

Para sa akin hindi maganda kung ganun ang gagawin mo. Kung ako 'yun, gagawin ko lang LIGHT ang lahat. 'Yun bang gagawin ko 'tong blog ko para sayo lang. Wala akong ine-expect na like o kung ano mang mga comment dyan. Basta ako ayos na nailalabas ko kung ano gusto kong sabihin.

"Never expect things to happen, struggle and make it happen."

BAKASyonista

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagal ako sa lupang tinubuan. Ang PULILAN. Pinagdala lang ako ng camera, naging taong bahay pa. Kinabukasan dapat babalik na ako ng caloocan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakabalik agad. Nung martes naman, Miss Universe e' kaya hindi pwedeng hindi manood at minsan na nga lang ako magin SUPSUPporter sa mga ganung paggandahan, hindi pa nanalo. Maganda din naman si Ms. Angola pero kahit na. Tama na 'yang SUPSUPan na 'yan.

Miyerkules, umulan naman kaya ayon hindi ulit natuloy ang binabalak na pag-uwi. Hanggang sa nasarap sa paglalaro ng badminton. 'Yun na nga ang libangan doon. Bawat humps may naglalaro ng badminton. Pero mga kalaro ko naman mga grade 2 hanggang grade 5 lang. Wala akong makalaro ng maayos. Kapatid ko naman sulat ng sulat hindi naman malaman kung para saan 'yon. Sa bagay president nga naman. Tuwing hapon 'yun lang ang nalalaro ng mga bata. Hanggang sa isang araw...




Alam kong masikip ang kalsada pero bakit naman dadalhin pa sa bubong e'. Linggo na 'yan, pagtapos umarte nila mayweather at ortiz. Kung aarte sana sila dapat ginalingan naman nila ng konti para nasulit man lang ang mga bayad ng mga nanood dun. At nang umuulang na naman, hindi ko alam kung sino nakaisip bumili ng pizza. Ayon nagastusan pa. Ang pinsan ko namang si john-john, binigyan daw ng lolo namin (si lolo ode po.) ng 100 pieces. Tuwang-tuwa pa kami at may pambili na ng pizza.



Unang pizza pa lang 'yan. Hindi ko na na-video 'yung pangalawa at nagkakainitan na. Kung akala mo na 'yung isang daan ang pinangbili nyan, mali ka. Dahil 'yung isang daan na bigay pambili pala ng kape. Hindi pala bigay 'yon. Kaya ayon buti na lang nagpatak-patak kami para sa pambili ng pizza.

Gabing-gabi na naghahanap pa kami ng mga matitirador na paniki. Sa kasamaang palad, bigo. Pinoy Explorer na daw kasi at nagsi-uwian na ang mga bugok.

At ngayon nandito na ako sa caloocan ulit. Kaya nga nagawa ko na 'tong blog na ito e'. Pero sa friday babalik ulit ako para sa mga SECRET!

Sabado, Setyembre 10, 2011

Happy Grandparents Day!

Ngayong 9-11 ay GRANDPARENTS DAY. Kaya happy grandparents sa mga lolo't lola nyo.

Hindi ko alam kung bakit wala akong naabutan na lolo ko. Pero nandyan naman ang mga lola ko. Lalo na ang ina ng ina ko si mama GLORIA QUIAMCO. Simula ng nag-aral ako, sya na ang nagaasikaso sa akin. Hanggang grade 6 'yon. Sa kanya ako natuto kung pano mamuhay ng masaya at sa kanya ko naramdaman ang pag-aalaga ng isang magulang. Hindi sa sinasabi ko na hindi ko naramdaman 'yon sa mga magulang ko. Pero sa lola ko kasi unang nakuha 'yon. Dahil nga dito na ako lumaki.

Naalala ko pa noon, kahit malapit lang ang eskwelahan dito, araw-araw pa din nya akong hinahatid sundo. At kung may mga kailangan sa eskwelahan na hindi ko agad nasabi, sya pa din ang bumibili kahit san pa man meron ng kung ano man ang kelangan ko. Kahit sa 4th floor pa 'yun, aakyat pa talaga sya kahit na nahihirapan na sya.

Ngayon alam ko na kung ano ang hirap na nakukuha nya para lang mapagtagumpayan ko kung ano man ang gusto ko sa buhay.'Yung kahit na hindi sya makainom ng maintenance basta may makain ka lang. 'Yung kahit na hindi na sya kumain ng tanghalian o hapunan basta makaipon lang ng pambili mo ng cellphone.

Kaya treasure the every moment that you're with your grandparents. Kahit ngayong araw lang na ito masuklian natin kung ano man ang mga naibigay nila para sa atin. Kahit isang cake lang 'yan ayos na sa kanila 'yan. Mahiya ka naman wag na ikaw ang mas maraming makakain. Grandparent ka?

Lunes, Setyembre 05, 2011

Birthday Bash!

Belated Happy Birthday kay LOWLA ROSA FERNANDEZ 


Parang christmas party ang nangyari nung SEPT. 4. Paano ba naman e' birthday ng founder ng Fernandez Clan. Bago ang kwento ko smile ka muna parey! :] IS THE SMILE!


Eto na ho. Bisperas ng birthday wala pa gaano nangyayari. Wala pang nagluluto. Wala pang naguutos na bumili ng toyo. Pagdating ng pamantayan ng mga pogi sa pinas na si POGING POGING BHIE FERNANDEZ, nagpabili na agad ng maiinum (hanggang ngayon hindi pa nasasauli 'yung mga bote, yari ka!) Tapos may mga chicha pa. Pero peborit ko 'yung chickboy. Salubong na 'yun hanggang kinabukasan kaya kahit na mas madami pa 'yung lamok kesa sa laman ng sugo, tuloy padin. Hanggang sa inabot na kami ng ala-una dahil sa kwento ng jowa ni ma'am mayet.

Kinabukasan, tanghalian na gising ko. Aburido na ang lahat samantalang ako almusal pa lang ang kinakain. Pag-dating ng hapon, ayan na padami na ng padami ang mga tao hanggang sa nagkakaubusan na ng upuan at lugar ng mauupuan. Nandun na lahat ng inaasahan at mga hindi inaasahan. Naglabasan na ang mga lamesa, bote, pitsel, at mga crispy itik (bakit 'yung napunta samin hindi masarap.) Nagtyaga na lang ang lahat sa pic-a. Nagkakwentuhan na kahit mga 5mins tapos 2mins na katahimikan. Tapos unti-unti na dumidilim. Unti-unti na din nawawala ang mga kaharap namin sa mesa. Nagsisiuwian na sila pano nga may pasok pa kinabukasan. Pero nasarap talaga diba? psst? diba?

Guston nyo pa ng tanduay ice? May tatlong bote pa sa ref namin. Tsaka pala 'yung sisig nandun pa. Ewan ko baka naulam na sa amin 'yun.

Biyernes, Setyembre 02, 2011

Sa BUHOK pa lang


September 2, 2011
4:07 PM

Dahil mabagal ang net namin, try ko muna gumamit ng Microsoft Word.

Nagpagupit ako kanina. Ewan ko kung ano pumasok sa isip ko at bigla ko na lang naisipan na magpa-gupit. Gaya ng dati hindi pa din pantay ang buhok ko. Mga parlorista e’ barbero din pala. Sasabihin sayo na maganda ang gupit sa kanila pero nung matapos hindi pantay. Hindi naman sa nilalahat ko ang mga may parlor. Pero sana naman paki-ayos lang, nagbabayad ho ako ng maayos.

Buti na lang kahit pangit ang gupit ko hindi naging K-POP o BIEBER style (siguradong mas pangit ‘yon). Marami din naman na magaganda buhok sa korea pero mas madami ang pangit. Nagagandahan lang ako sa mga kulay pero sa style hindi. Kaya lang naman siguro nagagandahan ang mga karamihan sa mga buhok nila e’ dahil na din sa tinatawag na “EXPERIMENT.”

Iba na ang trending sa mga hairstyle ngayon. ‘Yung mga dating simpleng kalbo lang, ngayon may mga style style pa na naka-ahit sa ulo. ‘Yung mga dating simpleng one-sided lang, ngayon ini-style pa ng kung ano-ano. Tsaka kung ano-anong kulay na ang nilalagay sa buhok ngayon. Dati dilaw lang astig ka na. Ngayon pag dilaw ang kulay ng buhok mo sasabihin pa sayo para kang mais. Dati pag KEEMPEE hairstyle mo para kang backstreetboys, nsync, a1 o kung ano-ano pang boyband. Ngayon subukan mong mag-pagupit ng ganon, ewan ko lang kung hindi ka pagtawanan.

Nagbabago na kahit ang mga maliliit na bagay ngayon. Sa simpleng mga gupit lang, malalaman na natin kung ano ang mga dapat baguhin sa buhay. Isa na lang ang hindi nagbabago. Ang botohan at ang mangyayari pagkatapos may manalo.

Ang simula

Pangalawang blogspot na 'to pero alam kong wala pa ring magbabago. Nahinto na 'yung isa paano puro repost na lang ang nailalagay ko at wala na akong panahong mag-post ng mga sarili kong ideya. Ngayon bubuhayin ko ulit ang mga kagaguhan ng buhay.

Wala akong balak na sumikat gamit ang mga blog na ito. Natural wala naman nakakaalam nito e'. Ako lang naman. Pano 'yun i-discover ang sarili?

Martes, Hulyo 12, 2011

Bieber FEVER!


parang original no?

Lunes, Hulyo 11, 2011

Ang LIKOD! bow.










wala lang magawa sa daan bago umuwi.

Martes, Hulyo 05, 2011

Umober ka pa!


Buti na lang hindi kanal 'yung likod ng eskwelahan ko dati.

Miyerkules, Hunyo 29, 2011

FACEBOOK!

Ikaw sigurado ako na isa ka sa mga nagfa-facebook na paulit-ulit lang ang ginagawa. Click sa HOME. Click sa PROFILE pag nagsawa LOGOUT na. Titignan ang WALL ng crush tapos pati mga picture nya. Pag bago DP ni crush LIKE agad. Tapos minsan pag adik ka talaga sa facebook, magli-like ka ng kung anu-anong FANPAGE. Pati 'yung mga "KWENTO MO" na pages. Tapos madalas badtrip ka pa sa mga nagcha-chat sayo tapos magpapa-like lang naman diba?

Pero kahit ganon, adik ka padin sa facebook. Pag online ka tapos bagot na bagot ka na, parang ayaw mo na ulit mag-facebook. Pero pag hindi ka nakaupo sa harap ng PC o laptop mo, excited ka kung may nag-like sa bago mong status, sa bago mong mga WACKY PICTURES. Pati nadin kung may nag-add sayo. Kahit hindi mo kilala basta cute RESPOND TO FRIEND REQUEST agad. Tsaka kung nag-message ba 'yung ka-chat mo kagabi kasi nakatulugan mo sya.

Badtrip ka din sigurado kung BROADBAND gamit mo tapos bigla na lang na-cut ung unlisurf mo habang may ka-chat ka na matagal mo na hinihintay na mag-chat sayo. O kaya naman biglang nag-brownout o biglang na-lowbat ang laptop mo.

Ngayon medyo nabawasan na ang mga online sa mga friends ko pag hapon o kaya naman umaga. Naglalabasan yan pag gabi na. Pano gagawa daw ng assignment pero unang bubuksan nyan FACEBOOK bago si GOOGLE. Nauubos na ang oras kakatingin sa kung anu-anong updates sa CITYVILLE nya o kaya naman sa BACKYARD MONSTERS.

Paulit-ulit lang ang ginagawa mo pero nage-enjoy ka diba? Ganyan talaga parehas lang tayo. Kaya nga gumawa ako ng BLOG ko para kahit pano mawala ang katumalan sa buhay ko.

Huwebes, Hunyo 23, 2011

Wetdreams

Ala-una na ako nakatulog pero alas-singko pa lang nagpising na agad ako. Naunahan ko pa nga ‘yung alarm ko e’. Siguro dahil na din sa lamig ng panahon. Hindi naman ako makakapasok kasi baha dito hanggang leeg (ng bibe.) Sayang maganda pa naman ang panaginip ko. Kaso pag gusto ko na ulit matulog hindi na ako makatulog.

Ang naalala ko sa panaginip ko ay nandoon ako sa may Jollibee. May nakita akong babae na parang stranded sya. Tinanong ko kung taga-saan sya. Sabi nya taga Rizal daw. Nung una wala pa syang mukha. Ewan ko baka kako hindi pa sya fully developed. Madalas naman sa mga panaginip ganon. Nung nagtagal tagal ang paguusap namin, unti unti ko na nakikilala ang mukha nya. Siya ay si L*****. Hindi ko na sasabihin ang pangalan nya . Alam kong masaya na sya ngayon sa buhay nya.

Stranded kami parehas dun. Nagpapatila lang kami ng ulan pero hindi yata titila. Tapos naglakad lakad kami ng konti, bigla na lang napunta na kami sa palengke ng kung anung lugar. Naliligaw na kami. Nagtanong tanong ako para makauwi na sya. Hindi din alam ng mga tao dun kung san ang daan. May nakita akong mahiwagang kotse na kulay gold na may aura. Nilapitan ko ‘yon at nagtanong ako kung pano papunta sa Rizal. Sabi nya “Kainin mo ito at sabihin ang lugar kung saan mo gustong magpunta.” Dahil panaginip lang ‘yon syempre ginawa ko naman. Pero hindi nangyari ‘yung sinabi nya. Nandun pa din ‘yung girl. May kadramahan pa nga na nagyari e’. Sabi nya “Anong ginawa mo? Hindi mo alam kung lason ‘yun o hindi. Baka mapahamak ka.”

“Ginagawa ko lang lahat ng ito para makauwi ka ng ligtas” sabi ko. Tapos nagyakap kami at marami pang ibang nangyari (pero walang bed scene.) Nagkamabutihan kami. Hindi ko lang alam kung nakauwi nga sya. Pano naman nagpunta daw kami sa isang handaan. Akala ko reception ng kasal namin, ‘yun pala fiestahan lang. Pagkatapos nun hindi ko na sya nakita at nagising na ako.

PARANG TUNAY! Syempre nga panaginip lang. Lahat pwedeng mangyari. Pero sabi nga nila, lahat daw ng napapanaginipan mo, kabaliktaran daw ang mangyayari sa totoong buhay. Dreams are not about what they are about.


"If you dream about some particular subject it is not often that the dream is about that. Dreams speak in a deeply symbolic language. The unconscious mind tries to compare your dream to something else, which is similar. Its like writing a poem and saying that a group of ants were like machines that never stop. But you would never compare something to itself, for example: “That beautiful sunset was like a beautiful sunset”. So whatever symbol your dream picks on it is most unlikely to be a symbol for itself."


 Ayos na ‘yon kahit sa panaginip ko lang sya nakasama.

Kung totoo ‘yung kasabihan na ‘yon, ibig sabihin kabliktaran din ‘yung magiging mahirap ako? Buti na lang hindi ko napanaginipan ‘yung tungkol sa spratlys at sa mga bagyo.

Ang gusto ko lang mapanaginipan ay SUMIKAT NG SOBRA ANG KPOP!

WANTED SWEETHEART

Kagabi wala ako magawa kaya nag-radyo na lang ako. 97.1 lang naman naka-save sa list ko ng radio station kaya no choice na 'yon ang pakinggan ko. Pero idol ko talaga si papa dan dati pa. Lalo nung guest sila RAMON BAUTISTA, KIKO RUSTIA at ALEX de ROSSI. Panoorin nyu na lang sa youtube. Eto ung 1st part.



Panoorin nyo na lang ung mga susunod. Pero mabalik lang ako sa caller kagabi. 'Yung lalaki ayos din lahat ng sabihin ni PAPA DAN ginagawa. Eto isa sa mga usapan na natawa ako.


PAPA DAN: Tanong mo kung ano favorite nyang PET.
BOY: Ate ano daw favorite pet mo.
GIRL: Baboy haha (tawang may halong pagtataka.)
BOY: Malinis ba PET mo?
GIRL: Oo naman nililinis ko tuwing naliligo.
PAPA DAN: Kasama mo maligo 'yung PET mo?
GIRL: Hindi naman natatanggal 'yung PWET syempre kasama 'yon.
PAPA DAN: Hindi PWET. Ang sabi ni kuya PET.
GIRL: Ah sorry naman papa dan. Ang dinig ko kasi PWET. 'Yon pala 'yung PAA.

Alam ko na kung gaano kahirap maging DJ. Pero nakakatuwa lang kasi kahit hindi ka nakikita ng mga tao, nakakapagpasaya ka gamit ang boses mo. Hindi katulad ng ibang DJ na todo na kung mag-joke pero sila lang ang natatawa.

Eto pa isang part ng usapan kagabi.

PAPA DAN: Pare tanong mo kung ano paborito nyang fastfood.
BOY: Ate ano daw favorite mong fastfood
GIRL: Jollibee.
PAPA DAN: Galing ah. Naiintindihan na nya tayo.
BOY: Oo nga e'.
PAPA DAN: Ate ano paborito mong MASCOT?
GIRL: FRIED CHICKEN!
PAPA DAN: KELAN PA NAGING MASCOT ANG FRIED CHICKEN! 


Miyerkules, Hunyo 22, 2011

OPM vs FOREIGN SONGS

Kanina kasi sa opisina puro english songs ang pinapatugtog. Simula pag in ko hanggang uwian. Walang tigil na ganon. Sa dinami-dami ng kantang tagalog wala man lang maputugtog maski isa lang. Kaya napagisip-isip ko "wala na ba talaga ang OPM?!"


Natural OPM talaga ako. Hindi ko alam kung bakit nila nagugustuhan ang mga KPOP na hindi naman nila maintindihan. Sige sabihin na natin na naiintindihan nila. Pero 'yung message ba talaga ng song 'yung iniintindi oo 'yung mga baduy na porma ng mga feeling pogi na 'yun. Lalo na kay JUSTIN BIEBER. English mga kanta nya pero alam mo ba kung ano ibig sabihin ng kanta nyang BABY?! ONE LESS LONELY GIRL?! Siguro hindi. Ako hindi talaga (at wala ako balak intindihin 'yon.)

OPM talaga gusto ko kahit ba nandyan ang mga bandang DASHBOARD CONFESSIONALS, ESCAPE THE FATE, ALL TIME LOW, MAYDAY PARADE at marami pang ibang foreign bands. Maski sa MYX konti na lang ang mga OPM na kasama sa top10. Kadalasan ang mga kasama 'yung 2NE1, GIRLS GENERATION tsaka 'yung mga lalaking KPOP (hindi ko alam pangalan ng sorrority nila.) Konti na lang kasi ang matibay tibay na OPM POP ROCKERS ngayon. Pero may mga papasikat na mga banda gaya ng TANYA MARKOVA.

May mga grupo naman ng pinoy na magpapalakas daw ng OPM. Pero ginagaya naman nila ang mga style ng KPOP. SUS! OPM nga copy+paste naman sa ibang bansa. Kaya naman natin gumawa ng sariling atin kaso nga lang natatakot lang kasi nga kesyo hindi sumikat kesyo hindi tangkilikin ng mga kabataan na nabubuhay na sa mga KPOP at foreign songs.

Pag ako talaga nag-banda gusto ko walang english na sasabihin sa lahat ng mga kanta namin. Pure tagalog. Pure POP ROCK (kung makakapag banda ako.)



Support OPM! Si RIZAL na ang may sabi, "Mahalin natin ang ating sariling wika." (pero 'yung mga tula at nobela nya kastila.)

Martes, Hunyo 21, 2011

JUNE 21

Ngayon ay FATHER'S DAY sa Egypt, Lebanon, Jordan, Syria at Uganda. Ngayon din ay GO SKATEBOARDING DAY at National Aboriginal Day sa Canada. Ngayon din ay World Music Day, International Surfing Day at World Humanist Day. Pero para sa akin, ito ay TUMAL DAY.

Tanghali na ako gumising kasi alam ko wala naman ako gagawin ngayong araw. Ang bago lang siguro sa ginawa ko ngayon ay nagLABA ako. Wala talaga magawa kaninang hapon kaya ayon nilabhan ko 'yung mga labahin dito (chinempo ko na 'yung towel ko lang nasa labahan.) Hindi naman kasi ako makatulog pag hapon pano tanghali na ako nagigising. Pag gising ko sakto lagi tapos na ang first contestant sa SHOWTIME. Tapos next nun hihintayin ko na lang 'yung JUAN FOR ALL, ALL FOR JUAN. Natatawa lang ako dun pero hindi ko alam kung bakit. Kahit hindi magjoke ayus lang. Buti na lang may pasok na ako bukas. May mga bagong apply na OJT (sana mga chiksii.) Pipintahan ko lang bukas.

Sabado, Hunyo 18, 2011

GUSTO KO AY....

1. MP3 WITH BLUETOOTH- Para pag may bagong kanta mga kaibigan ko, hindi na ilalagay pa sa PC para lang malagay sa mp3 ko. Sasabihin ko na lang "OI, BLUETOOTH MO NAMAN SA MP KO YAN."

Sama mo na 'yung girl kung pwede.

2. SAPATOS NA MAY ROCKET- Para pag hindi na kasya sa sasakyan mauuna na ako lumipad dun sa pupuntahan. Tsaka pag male-late na ako sa OJT lipad na lang.



3. SAMSUNG JET- Gusto ko na palitan cellphone ko. Grade 6 ko pa lang naman kasi gamit cellphone ko ngayon. "NO SPACE FOR NEW SCRATCH" na nga nakalagay e'

Tsaka 'yung unli call and text to all network
with no expiration.

4. BEATS BY DR. DRE- Subukan ko lang kung ano pinagkaiba nya sa ibang headset. Murang mura kasi 17k lang naman. Headset pa lang 'yan wala pang kasamang player.



5. JUMBO JET NA MAY SPACESHIP SA LIKOD- Trip ko lang mag-stroll sa iba't ibang planeta. Syempre dapat malaki sasakyan para kasya buong angkan. Pwede mag-tour sa buong mundo at sa buong solar system.

Magkano kaya magagastos nito sa gasolina.


6. Transformer- Para may bodyguard ako. Tsaka astig nyan lalo na kung si MICKEY MOUSE transformer mo. Para sa travel din pag-traffic konting lakad lang yan tapos na.



7.  Natural BAHAY- San ko naman paparada 'yung mga JET, KOTSE, TRANSFORMER ko kung wala akong bahay. Simple lang gusto ko. Basta 'yung LASER 'yung gate, may swimming pool sa rooftop, may basketball court sa c.r. Basta 'yung SIMPLE LANG.

Ayoko ng ganyan ka-puti kasi alam ko dudumi din 'yan.


8. MAGING ISANG JEDI- Pang self defense. Dapat dala ko lagi 'yung LIGHT SABER ko sa bulsa ko. Wag lang 'yung kamuka ng cellphone ko ung hawakan ng LIGHT SABER. Baka pag nag-text ako masaksak 'yung nasa harapan ko.

Wag lang kamukha nila.

9. SPRATLY ISLANDS- Para hindi na nila pag-awayan 'yung isla na yan. Sa akin na lang. Tsaka 'yung hugis boomerang tapos kulay yellow pa.



LAST BUT NOT THE LEAST




10. DORAEMON- Sarap lang maging tropa nung pusa na 'yan. Kahit ano gusto mo ibibigay. Lalo na kung sa maayos ko gagamitin. Mas maganda siguro kung bibigyan nya ako ng kahit anong LOVE POTION. Sssssshhhh wak ka maingay ha.







P.S.
Bigyan nyo ako nyan sa birthday ko ha. Malapit na 'yun. SALAMAT :)

Biyernes, Hunyo 17, 2011

ORIG NA RESIBO

Sira naman 'yung cd na yan. Pinalit ko pa.

NASA AKIN NA ANG PINAS!





Binili namin kanina sa convenient store (hindi ko na sasabihin hindi ko naman sponsor 'yon.) Last 4 na lang yan tapos 'yung isa lukot pa kaya bale tatlo na lang ang matino. Pero dahil mabait ako, tinira ko na ung isa dun sa tindahan. Tsaka malayo ung lagayan hindi na abot ng pinsan ko. 500ml na nga lang yan e'. Out of stock na daw ung malalaki.

Gusto ko sa susunod PEPSI SPRATLYS naman.

-____-"

Ika-walong araw ng OJT. Friday. June 17,2011

Wala na. Nandito mama ko ngayon kaya may gumising sakin.
Maaga ako umalis baka naman kasi ma-late na naman ako. Pero wala pa naman sila dun. May mga naglalakad lakad na tatlong babae (isang mataba, dalawang chiksii.) Hindi ko alam kung stalker ko ba un o anu. 'Yon pala mga OJT din pala. Ayos kako 'yon at may mapapala na din ako sa mga pinaggagawa ko sa ojt. Tapos POST ADS! na naman. Ang walang katapusang ADS! 


Ngayon, wala pa talaga ako natututunan dun sa OJT ko. Ewan ko lang kung magkakaron pa. Basta ako alam kong papasa ako.

Miyerkules, Hunyo 15, 2011

WALANG SILBI ANG WEDNESDAY KO!

Ika-pitong araw ng OJT. June 15, 2011.

Walang bago sa araw ko. Natural boring na naman sa opisina. Puro POST ADS! POST ADS! na lang ang ginagawa. Tapos ang lamig pa. Mas malaki pa nga yung C.R. namin kesa sa opisina pero dalawa pa aircon. Yung isa nakatapat pa sakin. Kahit suot ko ung pang-malakasan kong longsleeves nilalamig pa din ako. Hirap tuloy mag-type. Kaya eto na lang muna sa ngayon ang pabasa ko. Nakita ko lang to sa note ng friend ko sa FB (pero hindi ko sya kilala.)



THE BEST DIVORCE LETTER


Dear Wife,
I’m writing you this letter to tell you that I’m leaving you forever. I’ve been a good man to you for 7 years & I have nothing to show for it. These last 2 weeks have been hell.

Your boss called to tell me that you quit your job today & that was the last straw. Last week, you came home & didn’t even notice I had a new haircut, had cooked your favorite meal & even wore a brand new pair of silk boxers. You ate in 2 minutes, & went straight to sleep after watching all of your soaps. You don’t tell me you love me anymore; you don’t want sex or anything that connects us as husband & wife. Either you’re cheating on me or you don’t love me anymore; whatever the case, I’m gone.

Your EX-Husband
P.S. don’t try to find me. Your SISTER & I are moving away to West Virginia together! Have a great life!
——————————————————————————————
Dear Ex-Husband

Nothing has made my day more than receiving your letter.

It’s true you & I have been married for 7 years, although a good man is a far cry from what you’ve been. I watch my soaps so much because they drown out your constant whining & griping Too bad that doesn’t work. I DID notice when you got a hair cut last week, but the 1st thing that came to mind was ‘You look just like a girl!’ Since my mother raised me not to say anything if you can’t say something nice, I didn’t comment. And when you cooked my favorite meal, you must have gotten me confused with MY SISTER, because I stopped eating pork 7 years ago. About those new silk boxers: I turned away from you because the $49.99 price tag was still on them, & I prayed it was a coincidence that my sister had just borrowed $50 from me that morning.

After all of this, I still loved you & felt we could work it out. So when I hit the lotto for 10 million dollars, I quit my job & bought us 2 tickets to Jamaica But when I got home you were gone.. Everything happens for a reason, I guess.

I hope you have the fulfilling life you always wanted. My lawyer said that the letter you wrote ensures you won’t get a dime from me.

So take care.



Signed,
Your Ex-Wife, Rich As Hell & Free!

P.S. I don’t know if I ever told you this, but my sister Carla was born Carl.

I hope that’s not a problem

Linggo, Hunyo 12, 2011

HOY BAMPIRA AKO. TAKOT KANA?!

BABALA:
Ang pamagat ay walang kinalaman sa aking pabasa. wala na talaga ako maisip na pamagat kaya 'yan na ang nilagay ko.

Ika-anim na araw ng OJT. June 13, 2011.

6:30 pa lang gising na ako pero sa hindi malamang bagay, hindi pa din ako bumangon. Dala ko pa nga ung digicam sa pag-pasok nagbabakasakali na maka-YOUSCOOP ng nagbanggaang tren sa highway. Tsaka baka biglang dumating ang mga AUTOBOTS papa-picture sana ako. Pero wala sila. Mga INDIAN.

Pag-pasok ko 'yon late na pala ako. Dati kasi 8:30 pasok nila, ngayon 8:00 na pala. Unang araw ng pasukan sa ibang school lalo na sa college kaya may mga nakita akong magagandang tanawin (lalo kung hindi na sila humarap.) Tapos hindi pa pumasok si ERICHA (wala na yata balak.) KOREAN LANGUAGE SCHOOL din kasi ung company na pinasukan ko kaya may mga estudyante din sila. Nagaaral mag-KOREAN para maintindihan nila ang kabaduyan na pinagsasabi ng KPOP. Puro matatanda na halos 25 hanggang kamatayan na ang edad. Akala ko isang buong araw na naman ako magpopost ng ads dun (pero half day lang ako lagi.) buti na lang bibili ng SPARK PLUG si SIR NEO (hindi naman kami nakabili.) Kung saan saan lang kami nakapunta. Kumain pa kami ng mami sa mamihan (malamang sa mamihan talaga kakain ng mami.) Narinig ko pinaguusapan nung dalawang mama. "TALO NA PALA MIAMI." Bad news agad. Pero ayos lang DALLAS talaga ako. Idol ko kasi si STEVE NASH (nung nasa dallas pa sya..) Nawalan ako ng gana kumain ng mami pano ubos na ung kinakain ko. Mahal ng mami 20 isang mangkok ang liit naman parang tasa lang.

Hindi pa kami bumalik sa opisina nun naglibot muna kami ng GRAND CENTRAL. Pabalik balik lang kami. Pag-akyat namin sa 3rd floor yata o 4th floor basta sa may palaruan dun. May nakita kaming bata, naka-uniform. Ang ginawa namin tinakot namin. Sabi ni NEO

 "HOY BATA! ANO GINAGAWA MO DITO? MAY PASOK KA PA AH. UMALIS KA DITO. PUMASOK KA."

Hindi na nakapag-concentrate ung bata sa paglalaro ng TEKKEN TAG. Hanggang pag-alis namin nakatingin samin. akala siguro isusumbong namin sa guard. Tapos 'yon umalis na nga kami. Tawa kami ng tawa sa daan dahil nga dun sa batang takot na takot. Bigla na lang namin napagusapan ung tungkol sa kapangyarihan. Gusto daw nya maging INVISIBLE para daw kahit ano gawin nya hindi sya makikita. Ako gusto ko lang naman ung NAGPAPAHINTO NG ORAS para kahit ano pa kapangyarihan nila papahintuin ko lang ang oras wala ka na palag. Sabi pa nya para daw pag babarilin ka pahintuin mo ung oras tapos pihitin mo lang ung bala para daw bumalik sa kanya. Kung anu anu na napaguusapan namin. Tapos pag meron daw nagjo-jogging pahintuin mo daw ung oras tapos tapat mo ung nagjo-jogging sa open manhole. Habang papaakyat kami 'yon padin napaguusapan. Tapos bag balik namin sa opisina, konting inhale exhale lang uwian na agad. Hindi ko man lang nagamit ung digicam ko.

ARAW NG HAPPINESS!

NGAYON:
Maligayang araw ng KALAYAAN!

KAHAPON:
Sabado ika-labing isa ng hunyo taong dalawang libo't labing isa.

Umaga. Nagco-computer ako inaayos ko pa kasi ung BLOG na ito para sa background. Biglang may nagtext na number lang. Ang sabi nya, ay wala na pala ung text. Pero kilala ko na kung sino talaga yon. Tapus may sumunod na text. Eto nakalagay.


HULI KA BALBON

Lagi naman ganon yan. Pag kailangan ako gusto lagi nandoon agad ako. Pero pag sya kailangan ko WALA! tsk tsk. Buti na lang mabait ako. Pinagbigyan ko na. Nagpunta muna ako sa BSU para tignan kung gawa na ung OJT SHIRT namin pero wala pa hanggang ngayon. Lagi nalang pag lumuluwas ako, malakas ang ulan. Pero pag nasa bahay lang ako, tirik naman ang araw.

SALAMAT KALAMIDAD NAPAKABAIT MO SA AKIN!

Pero bago ako makapunta sa bahay namin may nagtext na naman. "BILI KA DAW NG MANI 20 PESOS."  Hilig sa mani. Pero dahil sagot na nya place ayos lang na ibili ko (may bayad naman un pagdating.) Nakapunta din sa pupuntahan. Pero sabi nila madami daw bisita si ITLOG (utol ko na ayaw sa cellphone.) Lagi naman madami bisita un. Pano malaki nga kasi bahay namin. 

MANO NGA PO! MANO NGA PO! MANO NGA PO! Napakabait ko talaga. Nilagay ko lang ung mani sa may kalan, tapos derecho na sa barracks. Nagsisimula na sila nung pumunta ako. Dala dala ko pa ung bag ko kasia akala ko may swimming (wala pala.) 'Yon nomo nomo. Bumili ng balot penoy kropeck. Tapos nung nakain na tsaka lang naisip na lalansa ung baso. Wala na nagawa lalo na kay KAYKAY (special mention ka pengeng bente.) Halos lahat ng balat ng balot tsaka penoy nasa tapat nya. Hindi ako kumakain ng PENOY, ewan ko kung bakit basta ayaw ko lang kahit try. Lumalalim na ang gabi, malakas na ang boses ni SARLEYN (tagalog ng sharlane; special mention ka din pengeng trenta.) Nagpa-bili muna ako ng FRIED ITIK (favorite puluts.) Akala ko 75 lang 'yon 130 pala. Bumalik si BALUGS (ang katangi tanging supot samin; hindi na ako manghihingi sayo ng pera malakas ka kumikbak.) Masarap naman kahit pano. Pero mas masarap ung dati. Last order na kasi ung nabili namin dati.

Gabi na at kailangang ng umuwi ng magkapatid may pasok pa daw kinabukasan (pero sabado pa lang non.) Nag-sounds na ako ng LOVE SONG pano alam kong may mabigat na dinadala si ATE BHIE (hindi ung governor ng batangas; kapangalan lang sya non.) 'Yon na nag-open na sya. Ako naman si papak lang WONDER BOY (jowa ng wonder girls.) Lahat ng kanta favorite nya o kaya naman favorite ni ATE MAYET  (kelan ba talaga ako makakapagsuot ng barong? wag na lang haha.) Kwentuhan sila ng kwentuhan. Pano daw mahirap ang long distance relationship. Tapos biglang napunta sakin ang usapan. Kamusta daw ba buhay pag-ibig ko. SOWS! Wala 'PA' ako nyan hinihintay ko pa na magkaroon sya ng work para daw wala na masabi parents nya sa kanya kung bakit nag-bf na sya ng POGI (ehem! ehem!) Wala na lobat na mp3 ko kung kailan favorite na daw ni KUYA ERNIE (jowa ni ATE MINDA na may ari ng isang computer shop at inuman.) Lumabas pa naman para lang pakinggan ung kanta kaso lang eenngggk! MISSION FAILED! Hindi na natapos ang kanta kaya kami at nagdesisyon nang umuwi at baka mahuli pa kami ng MASISIPAG AT PINAGKAKA-- PINAG-- PINAGKAKAPI-- PINAGKAKAPITAGANG (nabanggit din ng maayos) MGA BARANGGAY TANOD NG BALATONG-B.





P.S
Wala na naman si EMMAN.

Biyernes, Hunyo 10, 2011

Huwebes, Hunyo 09, 2011

JONTIN (june ten)

Ika-limang araw ng OJT. June 10, 2011.


Just another boring day. THE END! Nothing important in this day.




P.S.
ubos na english ko ngayong araw.

IKAAPAT NA ARAW!

Ikaapat na araw ng OJT. June 8, 2011.

Isang maulan na araw kaya nakakatamad pumasok. Pero no choice kelangang kunin ung digicam kala mama sa pulilan. Ayon kahit umuulan pumasok ng walang dalang payong (tamad talaga ako mag-payong kahit bagyo pa yan.)May hinihintay akong babae kaso hindi pumasok. Baka sa monday pa papasok un. As usual boring pa din sa OJT. Puro post lang ng post ng ads. Ang lamig pa lalong nakakatamad. tapos busy pa mga tao kasi daw iche-check sila ng TESDA. Wala na ako balak sabihin tungkol sa opisina.

Sa byahe na tayo. Halos tatlong oras ang byahe ko pano ba naman traffic sa STA. RITA (dun sa tulay.) May truck daw na nasiraan. Pag tapat ng bus sa truck na un, nakita ko ung driver may callmate pa. Hindi mo naman masasabing emergency call un kasi tumatawwa pa. Parang ganito HAHAHA! Ung ganung tawa. Buti na lang hindi pa lobat mp3 ko nun. Nag-sounds muna ako ng LOOK AT ME NOW ni chris brown. Ung kay BUSTA RHYMES lang gusto ko dun kaso ang hirap kabisaduhin. DADADA lang alam ko dun. Pero balang araw makakabisado ko din un PROMISE! Ayon na nakapunta na ko sa hacienda namin. Ang ama ko lang ang inabutan ko sa bahay. Nagising ko pa yata. Sa paghahagilap ko ng camera naabutan na ko ng INA KO. Un lang pinunta ko dun. Pamasahe lang lugi na. Partida wala pang lunch un. Kaya pag-uwi ko dito sa caloocan, bumili muna ako ng HOTSHOTS (sa KFC.) Para kako madami ako makain. Nasobrahan naman yata kasi sumakit ang tyan ko. Tapos talo pa MIAMI sa replay ng basketball tsk tsk. Totoo nga siguro ang kasabihan na, "KAHIT KAILAN HINDI MANANALO ANG KASAMAAN"


BAKIT BA KASI SI NOWITZKI PA UNG ANGHEL

Umaasa ako na sila ang mag-champion AMEN!

Martes, Hunyo 07, 2011

JAMES KELVIN SANTOS!

Wala po itong kinalaman sa OJT at lalong lalo na sa RH BILL. Wala akong magawa ngayon naka-chat ko lang si JAMES (isang ANDROID.) nag-punta ako sa wall nya at may nabasa akong hindi kanais-nais.

Eto ang nabasa ko.



Isang kagimbal gimbal na comment yon para sa katulad nyang ROBOT na leader ng isang napakagaling na group ng PE namin sa OUTDOOR (pero syempre mas magaling kami.) Hindi ko natiis basahin ang mga naunang comments.


Kinikilabutan na ako >.<
"Maganda naman siguro ito kasi maganda pangalan." Binasa ko pa ng binasa 'yon. Hindi naman nya binura kaya wala ako kasalanan dun. Cute daw sabi ni JAMES. Nung tinignan ko ang picture nung girl, nagulat ako SOBRANG CUTE (HAPPY OPPOSITE DAY JAMES.)

Hindi ko alam kung ilalagay ko ung picture ng girl. Pero wag na lang para na din sa privacy nila ni JAMES. Tandaan pogi din si JAMES. Eto sya oh.







NGITING EMPERADOR

Lunes, Hunyo 06, 2011

AT SA IKATLONG PAGKAKATAON

Ikatlong araw ng OJT. June 6, 2011

Maaga na naman akong pumasok pero late padin sila sir. Hindi ko na naman mapapanood ang 3rd game ng DALLAS vs. HEAT. Pero goodnews panalo naman daw.  Pag-akyat ko sa room, may nakita akong dalawang babaeng naka-uniform. Sana kako maganda. Nung humarap, dun ko na-realize na tama pala ung kasabihan na, NASA HULI ANG PAGSISISI. Mga mag-oojt din pala yon. Pero by the way ung isa black beauty. Pag-pasok pinagawa na naman ako ng walang kakwenta kwentang ads tungkol sa KOREAN LANGUAGE TRAINING. Kahit na copy-paster lang ginagawa lalo KOREAN pa. may pinagawa na naman si SIR ROY. Hindi PAPER-CUTTING at hindi pagdi-dikit ng DOUBLE ADHESIVE. Pinalinis lang naman nya ung maliit na ELECTRIC FAN nya. Ang baduy nya talaga. Binasa ko lang ng binasa. Hindi ko na pinunasan. Mahahanginan naman kako ‘yon. Matutuyo din sya kusa.

 Next, si PARENG NEO naman ang may pinagawa. Binigyan ako ng parang lunch box na medyo parang kainan ng aso (imagine mo na lang). akala ko ililibre ako ng breakfast. Ang sabi lang nya “LAGYAN MO NGA NG TUBIG TO PRE, LINISIN KO LANG UNG AQUARIUM.” ANYARE! Ang laman lang naman ng AQUARIUM nya tatlong GOLD FISH DAW! (kasing laki lang ng kulangot ng mamang lasing) na kulay SILVER. Pero GOLD FISH DAW! un sabi nya. No choice na naman ako. Kumuha ako ng tubig sa BOWL! Pero syempre joke lang yon. Sa gripo ako kumuha, animal friendly ako kahit hindi halata.

 Pag balik ko sa opisina, ayon na, pinapasok na pala ung dalawang babaeng nakapalda. Ako ayon post lang ng post ng ADS! Ini-interview na sila ni SIR ROY. Maganda ung VOICE nung isa. Dun ku nalaman na tama ang MANIFESTO NG MAGAGANDANG BABAE na pag maganda ang boses, panget sa PERSONAL. Pero hindi naman gano, actually cute sya. Binigay na ung schedule nila. M-W-F schedule nya. Nung ako tinaning syempre ano pa sagot, M-W-F din ako. Sabi ni SIR ROY, “TURUAN NYO NGA UNG MGA BAGO KUNG ANO GINAGAWA NYO.” Ang napunta sa akin syempre si ERICHA (ung black beauty.) Ako naman si turo turo. Pero maski ako hindi ko malaman kung ano kahalagahan ng pinaggagawa ko dun. POST! POST! POST ADS! Naintindihan naman daw nya. Tapos umalis na sila kasi hindi pa sila duty nun. Sa Wednesday na ulit pagkikita namin.

Pagtapos nun, inutusan si PARENG NEO na bumili ng LAPTOP CLEANING KIT, tsaka GOLDILOCKS para daw dun sa nasa TESDA (hindi kami close). Syempre dahil pare nga kami, kasama na naman ako. Pag-dating namin sa CD-R KING ang haba ng pila. Nung kami na ang bibili wala naman sila ng kailangan namin. Sayang ang pila -_-. Lumipat kami sa kabilang stall na walang bumibili. Dun meron. Pag-baba ng VICTORY MALL, hindi pa kami bumalik sa opisina. Nag-hanap pa kami ng SINGSING na ireregalo daw nya sa GF nya. 7 years na daw sila (yabang BELIBER naman) So hanap hanap kami. Pili dito, pili doon. COUPLE RING hanap nya. Halos isang oras kami doon na naghanap. May mga nakikitang maganda, wala namang ka’size sa kanya. Parang LONGGANISA kasi daliri nun. Hinahanap na kami ni SIR ROY sigurado. Pag-balik namin sa opisina, wala na naman si SIR ROY. Nasa TESDA daw sabi ni MOSLEY (isang taong nag-oojt na wala sa sarili.) 12 na nung mga oras na yun. Uwian na naman. Habang bumababa ako sa hagdan napagisip-isip ko, “GANITO BA TALAGA ANG OJT? PARANG WALA NAMANG AKONG GINAGAWA NA RELATED SA COURSE KO.” Pero hayaan mo na kesa mahirapan pa. Pag sakay ko sa jeep, ang dami ng estudyante ang nakasabay ko. Na-miss ko lang ung feeling ng first day ng class na, lilingon lingon ka sa paligid kung may mga babaeng magtatanong sayo kung anong section ka tapos magka-section pala kayo.



PANGALAWANG ARAW NA!

Pangalawang araw  ng OJT. June 3,2011

 Maaga ako pumasok. Nagbabaka sakali na may mga kaklase na ako. Pero WALA! WALA! WALA! Puro ads padin ang pinagpo-post sa mga walang kwentang website na iyon. Second game pa naman ng DALLAS vs. MIAMI nun. Ang badnews dun, hindi ko na napanuod talo pa MIAMI >.<

Doon ko na-meet si SIR NEO (Kanang kamay ni SIR ROY, Isang BELIEBER, PARE lang tawag ko sa kanya) PWEE! Nag-sounds nga JUSTIN GAYBER naman. Describe ko nalang si SIR NEO. Matangkad, makulado, brown ang buhok, matangkad, pero




BELIEBER!
                                                             

Inutusan sya ni SIR ROY (the PRESIDENT) na bumili ng INK para sa ma-print ung mga picture na gugupitin ko gamit ang PAPER CUTTER na lalagyan ng DOUBLE ADHESIVE. Sa sobrang tamad, akalain mong nagpasama pa sa akin. Siguro takot ma-rape. Siguro takot maligaw. Siguro takot mawala ung binili. Siguro takot sya na magulpi kasi BELIEBER sya. So, ayon umalis na kami. Pag-dating sa tindahan, bumili kami ng INK na kulay MAGENTA, BLACK, at hindi ko na alam ung isa. Akala ko babalik na kami sa opisina. Nagutom ang bugok. Naghanap ng mabibilhan ng burger kaso walang mabilhan. Nakita ng waffle stand. Bumili ng isa. Hindi man lang ako inalok kung gusto ko (sabagay hindi ko naman tatanggapin ‘yon, pero kahit na).

Pabalik na kami sa opisina. Lakad lakad lakad! Sa elevator wala palang pila dun? Naunahan kami ng tatlong matatabang nakapula (akala ko botcha) na may hawak ng walis at dust-pan. Pinauna na namin baka mahuli pa sa appointment. No choice nag-hagdan kami. 3rd floor pa ‘yon. Pero ok lang, sa BSU nga 4th floor pa inaakyat ko. Pero ngayon si EMMAN na makaka-experience nun. Pag-dating sa office, naka-lock ang pinto. Katok kami ng katok wala palang tao. Nagulat na lang kami dumadating na si SIR ROY na may dalang madaming libro (as usual hindi nya babasahin un). Pag-dating nya pinauwi na nya ako. Kinuha ko ung bag ko at umuwi na. Syempre uwian na nga e. Pag-sakay ko sa jeep, inaasahan ko na nandun ung chiksii na nakatabi ko nung Thursday. Pero WALA! WALA! WALA!

Ayon boring ang jeepney joyride.



UNANG ARAW MEN!

Unang araw ng OJT. June 2, 2011

 Tanghali na ako nagising siguro mga 7:30. Pero 8:30 pa naman YATA pasok ko nun. Pag-dating ko sa opisina ni MR. ROY SANTOS kung anu-ano na naman ang pinagsasabi sa akin (hindi ku talaga inintindi). POST AN AD! POST AN AD! Puro ganun lang ang ginagawa dun. TSSS! Nakailang beses ko na napost ang mga ad sa mga website na hindi ko alam kung may mga bumibisita pa. Bagot na bagot talaga ako nung araw na iyon. Pero may sinabi si sir akala ko naman importante.

“Earvin, lagyan mo nga ng DOUBLE-ADHESIVE ito”.

Sus yan ang OJT?! Wala na ako nagawa dahil sya nga ang boss. nilagyan ko lahat iyon ng DOUBLE-ADHESIVE. May sinabi pa ulit si “SIR”

“Cut mo nga itong mga papel. Gamitin mu na ‘yong PAPER CUTTER para mabilis”

Nakuha pa nyang magmadali. Pero na-excite ako ng konti lang naman. Kasi nga makakagamit na ako ng PAPER CUTTER. Ayon sa 1st try ayos naman. 2nd good din. Hanggang nakarami na ako, sarap sa feeling. Para lang akong gumugupit ng plastic cover gamit ang ruler sa sobrang smooth. Nung natapos ako, sa isip-isip ko “wala na kayang gugupitin?” nawili ako dun sa paper cutter na iyon. Hindi ko namalayan 12:00 na pala. Uwian na!

Nung papauwi na ako, cute ng katabi ko sa jeep *kilig mode konti*. Medyo chubby, maliit mga 5’2”, maputi, in short THE BEST! Mapupuno na ung jeep. Siksikan na. nararamdaman ko ang tibok ng kanyang pusho haha. Inabot ko iyong bayad nya na isang LIMA, dalawang PISO, tsaka apat na BENTE-SINGKO. Malapit na sa CITY HALL, nagulat ako bigla na lang syang pumara hindi ku naman nadinig. Sabagay nagsa-sound ako nun ng PINGO ng PAPA PINGOIUN (search nyo na lang maganda yan). Hindi ko na nakita mukha nya nung nakababa na. Pano ung matandang babae sa harapan ko bumaba din akala naman nya ubod sya ng payat. Sayang si girl :( . Pero ayos lang may next time pa.


Eto nga pala ang website ng opisina na iyon  firstallianceacdemic.tk