Biyernes, Setyembre 02, 2011

Sa BUHOK pa lang


September 2, 2011
4:07 PM

Dahil mabagal ang net namin, try ko muna gumamit ng Microsoft Word.

Nagpagupit ako kanina. Ewan ko kung ano pumasok sa isip ko at bigla ko na lang naisipan na magpa-gupit. Gaya ng dati hindi pa din pantay ang buhok ko. Mga parlorista e’ barbero din pala. Sasabihin sayo na maganda ang gupit sa kanila pero nung matapos hindi pantay. Hindi naman sa nilalahat ko ang mga may parlor. Pero sana naman paki-ayos lang, nagbabayad ho ako ng maayos.

Buti na lang kahit pangit ang gupit ko hindi naging K-POP o BIEBER style (siguradong mas pangit ‘yon). Marami din naman na magaganda buhok sa korea pero mas madami ang pangit. Nagagandahan lang ako sa mga kulay pero sa style hindi. Kaya lang naman siguro nagagandahan ang mga karamihan sa mga buhok nila e’ dahil na din sa tinatawag na “EXPERIMENT.”

Iba na ang trending sa mga hairstyle ngayon. ‘Yung mga dating simpleng kalbo lang, ngayon may mga style style pa na naka-ahit sa ulo. ‘Yung mga dating simpleng one-sided lang, ngayon ini-style pa ng kung ano-ano. Tsaka kung ano-anong kulay na ang nilalagay sa buhok ngayon. Dati dilaw lang astig ka na. Ngayon pag dilaw ang kulay ng buhok mo sasabihin pa sayo para kang mais. Dati pag KEEMPEE hairstyle mo para kang backstreetboys, nsync, a1 o kung ano-ano pang boyband. Ngayon subukan mong mag-pagupit ng ganon, ewan ko lang kung hindi ka pagtawanan.

Nagbabago na kahit ang mga maliliit na bagay ngayon. Sa simpleng mga gupit lang, malalaman na natin kung ano ang mga dapat baguhin sa buhay. Isa na lang ang hindi nagbabago. Ang botohan at ang mangyayari pagkatapos may manalo.