Belated Happy Birthday kay LOWLA ROSA FERNANDEZ
Parang christmas party ang nangyari nung SEPT. 4. Paano ba naman e' birthday ng founder ng Fernandez Clan. Bago ang kwento ko smile ka muna parey! :] IS THE SMILE!
Eto na ho. Bisperas ng birthday wala pa gaano nangyayari. Wala pang nagluluto. Wala pang naguutos na bumili ng toyo. Pagdating ng pamantayan ng mga pogi sa pinas na si POGING POGING BHIE FERNANDEZ, nagpabili na agad ng maiinum (hanggang ngayon hindi pa nasasauli 'yung mga bote, yari ka!) Tapos may mga chicha pa. Pero peborit ko 'yung chickboy. Salubong na 'yun hanggang kinabukasan kaya kahit na mas madami pa 'yung lamok kesa sa laman ng sugo, tuloy padin. Hanggang sa inabot na kami ng ala-una dahil sa kwento ng jowa ni ma'am mayet.
Kinabukasan, tanghalian na gising ko. Aburido na ang lahat samantalang ako almusal pa lang ang kinakain. Pag-dating ng hapon, ayan na padami na ng padami ang mga tao hanggang sa nagkakaubusan na ng upuan at lugar ng mauupuan. Nandun na lahat ng inaasahan at mga hindi inaasahan. Naglabasan na ang mga lamesa, bote, pitsel, at mga crispy itik (bakit 'yung napunta samin hindi masarap.) Nagtyaga na lang ang lahat sa pic-a. Nagkakwentuhan na kahit mga 5mins tapos 2mins na katahimikan. Tapos unti-unti na dumidilim. Unti-unti na din nawawala ang mga kaharap namin sa mesa. Nagsisiuwian na sila pano nga may pasok pa kinabukasan. Pero nasarap talaga diba? psst? diba?
Guston nyo pa ng tanduay ice? May tatlong bote pa sa ref namin. Tsaka pala 'yung sisig nandun pa. Ewan ko baka naulam na sa amin 'yun.