1. MP3 WITH BLUETOOTH- Para pag may bagong kanta mga kaibigan ko, hindi na ilalagay pa sa PC para lang malagay sa mp3 ko. Sasabihin ko na lang "OI, BLUETOOTH MO NAMAN SA MP KO YAN."
![]() |
| Sama mo na 'yung girl kung pwede. |
2. SAPATOS NA MAY ROCKET- Para pag hindi na kasya sa sasakyan mauuna na ako lumipad dun sa pupuntahan. Tsaka pag male-late na ako sa OJT lipad na lang.
3. SAMSUNG JET- Gusto ko na palitan cellphone ko. Grade 6 ko pa lang naman kasi gamit cellphone ko ngayon. "NO SPACE FOR NEW SCRATCH" na nga nakalagay e'
![]() |
| Tsaka 'yung unli call and text to all network with no expiration. |
4. BEATS BY DR. DRE- Subukan ko lang kung ano pinagkaiba nya sa ibang headset. Murang mura kasi 17k lang naman. Headset pa lang 'yan wala pang kasamang player.
5. JUMBO JET NA MAY SPACESHIP SA LIKOD- Trip ko lang mag-stroll sa iba't ibang planeta. Syempre dapat malaki sasakyan para kasya buong angkan. Pwede mag-tour sa buong mundo at sa buong solar system.
![]() |
| Magkano kaya magagastos nito sa gasolina. |
6. Transformer- Para may bodyguard ako. Tsaka astig nyan lalo na kung si MICKEY MOUSE transformer mo. Para sa travel din pag-traffic konting lakad lang yan tapos na.
7. Natural BAHAY- San ko naman paparada 'yung mga JET, KOTSE, TRANSFORMER ko kung wala akong bahay. Simple lang gusto ko. Basta 'yung LASER 'yung gate, may swimming pool sa rooftop, may basketball court sa c.r. Basta 'yung SIMPLE LANG.
![]() |
| Ayoko ng ganyan ka-puti kasi alam ko dudumi din 'yan. |
8. MAGING ISANG JEDI- Pang self defense. Dapat dala ko lagi 'yung LIGHT SABER ko sa bulsa ko. Wag lang 'yung kamuka ng cellphone ko ung hawakan ng LIGHT SABER. Baka pag nag-text ako masaksak 'yung nasa harapan ko.
![]() |
| Wag lang kamukha nila. |
9. SPRATLY ISLANDS- Para hindi na nila pag-awayan 'yung isla na yan. Sa akin na lang. Tsaka 'yung hugis boomerang tapos kulay yellow pa.
LAST BUT NOT THE LEAST
10. DORAEMON- Sarap lang maging tropa nung pusa na 'yan. Kahit ano gusto mo ibibigay. Lalo na kung sa maayos ko gagamitin. Mas maganda siguro kung bibigyan nya ako ng kahit anong LOVE POTION. Sssssshhhh wak ka maingay ha.
P.S.
Bigyan nyo ako nyan sa birthday ko ha. Malapit na 'yun. SALAMAT :)









