Unang araw ng OJT. June 2, 2011
Tanghali na ako nagising siguro mga 7:30. Pero 8:30 pa naman YATA pasok ko nun. Pag-dating ko sa opisina ni MR. ROY SANTOS kung anu-ano na naman ang pinagsasabi sa akin (hindi ku talaga inintindi). POST AN AD! POST AN AD! Puro ganun lang ang ginagawa dun. TSSS! Nakailang beses ko na napost ang mga ad sa mga website na hindi ko alam kung may mga bumibisita pa. Bagot na bagot talaga ako nung araw na iyon. Pero may sinabi si sir akala ko naman importante.
“Earvin, lagyan mo nga ng DOUBLE-ADHESIVE ito”.
Sus yan ang OJT?! Wala na ako nagawa dahil sya nga ang boss. nilagyan ko lahat iyon ng DOUBLE-ADHESIVE. May sinabi pa ulit si “SIR”
“Cut mo nga itong mga papel. Gamitin mu na ‘yong PAPER CUTTER para mabilis”
Nakuha pa nyang magmadali. Pero na-excite ako ng konti lang naman. Kasi nga makakagamit na ako ng PAPER CUTTER. Ayon sa 1st try ayos naman. 2nd good din. Hanggang nakarami na ako, sarap sa feeling. Para lang akong gumugupit ng plastic cover gamit ang ruler sa sobrang smooth. Nung natapos ako, sa isip-isip ko “wala na kayang gugupitin?” nawili ako dun sa paper cutter na iyon. Hindi ko namalayan 12:00 na pala. Uwian na!
Nung papauwi na ako, cute ng katabi ko sa jeep *kilig mode konti*. Medyo chubby, maliit mga 5’2”, maputi, in short THE BEST! Mapupuno na ung jeep. Siksikan na. nararamdaman ko ang tibok ng kanyang pusho haha. Inabot ko iyong bayad nya na isang LIMA, dalawang PISO, tsaka apat na BENTE-SINGKO. Malapit na sa CITY HALL, nagulat ako bigla na lang syang pumara hindi ku naman nadinig. Sabagay nagsa-sound ako nun ng PINGO ng PAPA PINGOIUN (search nyo na lang maganda yan). Hindi ko na nakita mukha nya nung nakababa na. Pano ung matandang babae sa harapan ko bumaba din akala naman nya ubod sya ng payat. Sayang si girl :( . Pero ayos lang may next time pa.
Eto nga pala ang website ng opisina na iyon firstallianceacdemic.tk
Eto nga pala ang website ng opisina na iyon firstallianceacdemic.tk