Lunes, Oktubre 03, 2011

Pagbabago

Pansin ko lang, lahat na yata ng mga bagay sa mundo ay pinipilit na mapa-ganda. Syempre lahat tayo gusto maganda ang mga kalalabasan ng mga pagbabago na 'yan. Pero madalas pangit ang resulta. Parang 'yung mga kanta ngayon. Binago na ng mga K-POP na yan. Ano resulta? For me pangit. 'Yung pagbabago din sa Facebook, madami ang mga nagsa-sabi pangit DAW. 'Yung mga pose mo sa camera, dati simpleng smile lang basta kasama ka sa picture, ayos na sayo. Pero ngayon, dahil digital na nga, dapat maganda ang kuha mo. Kasi pwede ng i-delete ang mga pictures. Dati magagalit pa mga photographer sayo pag hindi ka umayos ng pose kasi daw sayang ang film. Ngayon naman, nauuso na ang mga iba't-ibang pose gaya ng PLANKING, OWLING, at madami pang iba hindi ko lang alam ang tawag sa mga 'yun. At may nauuso na naman, actually hindi pa sya uso, sana nga hindi na. Ang BAKLING!


Sana naman wag na 'to mauso. Please lang. Sige mag-plank na kayo kahit saan, wag lang ganto.

Mabalik tayo sa pagbabago. Dati sa mga notebook o sa likod ng libro mo ng biology o kung ano mang libro ang may space sa likod mo lang nasusulat ang mga nanyayare sa buhay buhay mo. O kaya naman may diary ka pa (kung hindi pa assignment lagi sa E.P.P. o HELE 'yun hindi ka pa magkakaron.) Pero ngayon may mga online diary na. Parang itong mga blogs. Magta-type ka na lang para sa mga tamad. At para sa mga mas tamad may VLOG (Video blog) pa. Ire-record mo na lang sarili mo at magsasalita ka na lang. Hindi ka na magta-type o magsu-sulat.

sana naman pati gobyerno magbago na.

Huwebes, Setyembre 29, 2011

Pedring!

Gabi bago ang araw ng pananalasa ni pedring, wala man lang kaulan-ulan o kahit ano mang senyales na ganun kalakas 'yung loko na 'yun.

Maiba na tayo. Past is past. Nagdaan na 'yon at wala ng dapat pag-usapan pa tungkol doon. Gusto ko lang naman sabihin sa mga nag-o-operate ng mga dam, e' pwede naman magpakawala ng tubig habang papadating pa lang 'yung ulan. Hindi 'yung isasabay mo sa lakas ng bagyo at taas ng baha ang sandmakmak na tubig na 'yon. Baha na nga baha pa. Dapat makipag-ugnayan din kayo sa PAGASA kung gaano ba talaga kalakas ang maibibigay na tubig ng bagyo para makapag-adjust na 'yung mga dam na 'yan agad-agad.

Kahit hindi kami naabutan ng mga tubig na 'yan e' madami ang HINDI nakinabang sa tubig na 'yon. Hindi naman siguro mauubos agad 'yung tubig doon diba?

At para naman sa mga hindi agad lumilikas sa kasagsagan ng bagyo, magkusa na ho kayo. Pag kayo ang na-stranded, sino sisisihin nyo? Gobyerno na naman? Kasi hindi kayo nailigtas? E' araw-araw na nga 'yon ipinapa-labas sa t.v. 'Yon na ang pagli-ligtas na ginawa ng mga nakatataas. Sinagip na kayo kahit wala pa man ang mga baha baha na 'yan.

Wala lang may masabi lang.

Lunes, Setyembre 19, 2011

Online influence

Dahil may load ang broadband, kailangan masulit ang 50 pesos ko.

Marami na ang mga sikat sa T.V. na nagsimula lang sa mga kalokohan na ginagawa nila sa youtube. Pero dati, kailangan mo pang mag-audition sa mga actingan na yan para maging sikat o para makita sa t.v. 'Yung iba naman, kuntento na sila na marami ang nanonood sa kanila via youtube. 'Yung iba naman, mga trying hard na sumikat, gagayahin pa ang mga kalokohan ng jackass para lang mapansin.

Pati nga ngayon sa facebook may mga ganyan na. 'Yung gagawa ng sarili nilang fanpage tapos pipiliting ipa-like sa iba para iisipin ng iba na "uy maraming naglike sa fanpage nya, sikat na sikat na 'to." Hindi nila alam na sapilitan ang pagla-like doon. Tapos magpi-picture na kung ano-anung anggulo sa camera tsaka i-a-upload sa facebook nya tsaka ipapalike ulet.

Para sa akin hindi maganda kung ganun ang gagawin mo. Kung ako 'yun, gagawin ko lang LIGHT ang lahat. 'Yun bang gagawin ko 'tong blog ko para sayo lang. Wala akong ine-expect na like o kung ano mang mga comment dyan. Basta ako ayos na nailalabas ko kung ano gusto kong sabihin.

"Never expect things to happen, struggle and make it happen."

BAKASyonista

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagal ako sa lupang tinubuan. Ang PULILAN. Pinagdala lang ako ng camera, naging taong bahay pa. Kinabukasan dapat babalik na ako ng caloocan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakabalik agad. Nung martes naman, Miss Universe e' kaya hindi pwedeng hindi manood at minsan na nga lang ako magin SUPSUPporter sa mga ganung paggandahan, hindi pa nanalo. Maganda din naman si Ms. Angola pero kahit na. Tama na 'yang SUPSUPan na 'yan.

Miyerkules, umulan naman kaya ayon hindi ulit natuloy ang binabalak na pag-uwi. Hanggang sa nasarap sa paglalaro ng badminton. 'Yun na nga ang libangan doon. Bawat humps may naglalaro ng badminton. Pero mga kalaro ko naman mga grade 2 hanggang grade 5 lang. Wala akong makalaro ng maayos. Kapatid ko naman sulat ng sulat hindi naman malaman kung para saan 'yon. Sa bagay president nga naman. Tuwing hapon 'yun lang ang nalalaro ng mga bata. Hanggang sa isang araw...




Alam kong masikip ang kalsada pero bakit naman dadalhin pa sa bubong e'. Linggo na 'yan, pagtapos umarte nila mayweather at ortiz. Kung aarte sana sila dapat ginalingan naman nila ng konti para nasulit man lang ang mga bayad ng mga nanood dun. At nang umuulang na naman, hindi ko alam kung sino nakaisip bumili ng pizza. Ayon nagastusan pa. Ang pinsan ko namang si john-john, binigyan daw ng lolo namin (si lolo ode po.) ng 100 pieces. Tuwang-tuwa pa kami at may pambili na ng pizza.



Unang pizza pa lang 'yan. Hindi ko na na-video 'yung pangalawa at nagkakainitan na. Kung akala mo na 'yung isang daan ang pinangbili nyan, mali ka. Dahil 'yung isang daan na bigay pambili pala ng kape. Hindi pala bigay 'yon. Kaya ayon buti na lang nagpatak-patak kami para sa pambili ng pizza.

Gabing-gabi na naghahanap pa kami ng mga matitirador na paniki. Sa kasamaang palad, bigo. Pinoy Explorer na daw kasi at nagsi-uwian na ang mga bugok.

At ngayon nandito na ako sa caloocan ulit. Kaya nga nagawa ko na 'tong blog na ito e'. Pero sa friday babalik ulit ako para sa mga SECRET!

Sabado, Setyembre 10, 2011

Happy Grandparents Day!

Ngayong 9-11 ay GRANDPARENTS DAY. Kaya happy grandparents sa mga lolo't lola nyo.

Hindi ko alam kung bakit wala akong naabutan na lolo ko. Pero nandyan naman ang mga lola ko. Lalo na ang ina ng ina ko si mama GLORIA QUIAMCO. Simula ng nag-aral ako, sya na ang nagaasikaso sa akin. Hanggang grade 6 'yon. Sa kanya ako natuto kung pano mamuhay ng masaya at sa kanya ko naramdaman ang pag-aalaga ng isang magulang. Hindi sa sinasabi ko na hindi ko naramdaman 'yon sa mga magulang ko. Pero sa lola ko kasi unang nakuha 'yon. Dahil nga dito na ako lumaki.

Naalala ko pa noon, kahit malapit lang ang eskwelahan dito, araw-araw pa din nya akong hinahatid sundo. At kung may mga kailangan sa eskwelahan na hindi ko agad nasabi, sya pa din ang bumibili kahit san pa man meron ng kung ano man ang kelangan ko. Kahit sa 4th floor pa 'yun, aakyat pa talaga sya kahit na nahihirapan na sya.

Ngayon alam ko na kung ano ang hirap na nakukuha nya para lang mapagtagumpayan ko kung ano man ang gusto ko sa buhay.'Yung kahit na hindi sya makainom ng maintenance basta may makain ka lang. 'Yung kahit na hindi na sya kumain ng tanghalian o hapunan basta makaipon lang ng pambili mo ng cellphone.

Kaya treasure the every moment that you're with your grandparents. Kahit ngayong araw lang na ito masuklian natin kung ano man ang mga naibigay nila para sa atin. Kahit isang cake lang 'yan ayos na sa kanila 'yan. Mahiya ka naman wag na ikaw ang mas maraming makakain. Grandparent ka?